Uso pa ba ang year-ender post ng mga bloggers?

January 08, 2025

Lately, napapaisip at napapatanong talaga ako kung uso pa rin ba ang year-end post sa mga bloggers.

I just had to create this post kasi sobrang lingering sa utak ko ang tanong na ito. For context lang kasi, a few years ago, pag-dating ng New Year, asahan mo na merong year-ender post ang mga bloggers. Pagandahan, essay-writing contest kumbaga. Favorite kong gawin yung mag-visit sa mga websites or blogs ng mga favorite bloggers ko kasi natutuwa akong basahin yung mga post nila.

Uso pa ba ang year-ender post ng mga bloggers?

Uso pa ba ang year-ender post ng mga bloggers?


Nandun yung mga dreams and aspirations na natupad, yung mga bagay na grateful ka from the past year, and also yung mga nasa to-do list nila na hindi natuloy pero gusto pa rin nila ituloy sa next year. Mayroong madrama at seryoso, marami rin ang kwela. Nakaka-aliw din pala ang gawa ng mga vloggers kasi pagandahan din, usually cinematic ang datingan.

Mas personal at may connection sa readers and audience nila. Syempre. Ako rin, hindi magpapahuli. Hindi ko sure if may nagbabasa, pero gagawa pa rin ako ng year-ender post. Tipong “year in review” or “looking back at the past year” and so on. Nakakatuwa lang kasi, dahil nga uso sya.

Pero just this year, napansin ko na parang halos wala na nagsusulat ng year-ender post sa mga kilala ko na bloggers. Nawalan na ba talaga ng gana magsulat ang mga tao? Nawalan na rin kaya ng interes magbasa ang mga dati at tumatangkilik sa mga blogs?

Gayunpaman, wala rin naman ako nakikitang gumagawa nito sa mga content creators. Ay meron pala, may mga Capcut templates ng apala ng “year that was” which is just a short compilation of photos and videos. Wala nang masyadong lalim.

Ako rin naman, hindi gumawa ng year-ender post for 2024. Malungkot ba ko sa nangyari nung 2024? Hindi naman, ang dami nga namin naging byahe last year. I just don’t feel like writing a year-ender post dahil, I figured, wala rin naman magbabasa. Hindi rin naman year-ender post ito.

Ano na ba talaga ang nangyari sa blogging? Sana bumalik ulit sa pagsusulat at pagbabasa ang mga tao. Ako naman, tuloy pa rin a pagsusulat dahil ito lang ang alam at mas kaya kong gawin. Aminado ako, hindi ko talaga forte ang maging content creator or influencer. Isisipin mo siguro ako rin ang may kasalanan kasi hindi ko kaya mag-innovate. Pero sa kabilang banda, kailangan mo rin maisip na ganun talaga, may mga tao na kagaya ko.

And that’s perfectly fine. I’ll keep on doing something that makes me happy, kahit ako lang ang nagbabasa. Blogging may have declined, pero it will only die completely pag tumigil na sa pagsusulat ang mga kagaya ko. It's just sad na pati si Google, di na rin kakampi ng mga small-time publishers like me. Since 2023, di na naka-recover ang blog ko from all the algorithm updates.

Ginawa ko na lahat, walang tigil sa reasearch on how to pick up or recover from all the recent core algorithm updates. Keyword research, rewriting old blog posts, even trying to create a focused blog pero wala pa rin. Give up na ko at masakit na ang ulo ko kaya magsusulat na lang ako ng gusto ko.

Speaking of the new breed of content creators, don’t get me wrong a, galing na galing din ako sa mga social media creators. Napaka-creative and imaginative, napakagaling gumawa ng mga videos. Sa ngayon, fan na lang din ako and spectator ng mga content creators.

So ayun, going back to my question, mukhang di na nga uso ang year-ender post sa mga bloggers. Grabe, isang buwan na mahigit na rin pala since last ako nagsulat dito. Basta ako, masaya ako na malusog at happy ang pamilya ko.

Anyway, I wish you a prosperous year. Sana ay matupad mo ang mga pangarap mo.
This post may contain affiliate links, including those from Amazon Associates, which means that if you book or purchase anything through one of those links, we may earn a small commission but at no extra cost to you. All opinions are ours and we only promote products that we use.

Leave A Reply

Feel free to share your thoughts! Relevant comments are welcome on this site. However, spam and promotional comments will not be published.


3 comments

  1. Hi daddy Iv and To Your Fam
    Happy New Year at nag eenjoy din ako nagbabasa Ng Blog mo
    Same din tayo ,basta makita natin malusog ang ating pamilya ay super saya na natin

    ReplyDelete
  2. True po dati nun mga blogging nababasa ko ngayon napapanood ko yung short videos na lang talaga about sa experience nila ng 2024 anyway fighting po dadi iv kung saan ka masaya basta ako po magbabasa and support pa din sa blog mo basta po may free time ako .

    ReplyDelete
  3. Actually mas preferred na din po kase siguro ng iBang bloggers yong short videos na lang.
    For me naman mahilig pa din ako magbasa ng blog and since then kase eu hilig ko din magbasa ng libro kaya po always support pa din ako sainyong mga blogs

    ReplyDelete